Friday, October 28, 2011

Pinoy Food Race


Itong mga nakaraang araw, hindi ko maintindihan kung bakit takam na takam ako sa lutong pinoy.  Hindi ko nga kailangang mag-isip ng malalim para malaman ano ang lulutuin ko.  Alam na alam ko agad na eto ang mga gusto ko, peksman!

Tinapa, Miswa at Sarsiado:
Kahit hindi eksaktong eksakto ang mga panahog, nagawan pa din ng paraang maging kasing lasa ang pinakatatakam kong miswa, tinapa at sarsiado.

And sinubstitute ko sa tinapa ay yung "smoked mackarel/gerookte makreel." Pra shang boneless na tinapang bangus.  Pati amoy parehong pareho. Yummy!

Sa miswa naman ang sinubstiture ko sa patola ay yung "zuchini/courgette".  Small version sha ng patola.  Super sarap!  Khit si Niels, Nina at Nico naubos yung bowl nila.  Una si Niels ayaw kumain, tapos nung natikman, isang higupan lang ubos na nya agad yung portion nya.

At sarsiado?  Sino kaya ang may alam nito?  Si nanay super sarap mag-luto ng sarsiado eh.  Naaalala ko pa nung tinanong ko kay Nanay dati paanong magluto nun.  Hanggang ngayon yun pa din ang scene na tinatandaan ko tuwing magluluto ako ng sarsiado...Nanay's way :-)

Chinese Mami with Asado flavor:
Yup, meron akong stock lagi sa bahay ng chinese egg noodles in case gusto kong magluto ng Tatay's famous Chinese Mami and Asado (as seen on TV Wok with Yan).  At meron din kaming tanim na pechay so easy to make ang Chinese mami whenever I want...and I want it now! Mmm...naka-tatlong tasa ata ako eh, si Niels, Nico and Nina eh kain din ng kain :-)

Tinolang manok at Munggo:
Nung sabado naman, bumisita kami kila Ninang Chell.  At shempre, alam nyo naman, every visit kila Chell eh for sure may Pinoy food na nakaserve. And this time, Tinolang manok at Munggo ang handa nya.  Buntis pa naman si Chell, so ayun, naglilihi sa Pinoy food...nakikisaling pusa ako...SARAP eh!

Sinigang na ribs...adobong ribs:
Ay!  Nakakita ako ng magaganda, malalaman at matatabang ribs sa supermarket...naisip ko agad SINIGANG!  Pag uwi na pag uwi ko sa bahay hinagilap ko agad kung nasaan yung Mama Sita Pangsigang ko...oh noh!  Wala!  So yung sinigang na ribs ko eh adobong ribs ang hinantungan! Masarap din naman, tuyong adobo ang ginawa ko...tinatandaan ko yung favorite ni Tatay na tuyong adobo so talagang malasang malasha sha dahil naka-on ang stove until maubos yung sauce ng adobo, naprito sha ng konti kaya crispy ang labas and chewy on the inside.  Super sarap din naman ang kinalabasan..of course Datu Puti ang gamit kong suka  and hindi ko binuksan ang takip habang pinapakuluan para hindi mahilaw ang suka ;-) Oh diba Nanay and Tatay, natuto din ako!  And hindi sha maalat, nilagyan ko din ng konting brown sugar kung hindi magrereklamo si Nico na maalat yung adobo hahaha.

Pinakbet:
Ang original plan ko eh magluto ng chicken curry...kso nung nasa supermarket ako namimili ng ingredients pra sa chicken curry...eh mukhang ang mga ingredients na napupunta sa basket ko (unconsiously) eh pang pinakbet (Talong, sitaw, kamatis).  Nung nasa kahera na ako, napaisip ako tuloy...Hmmmm..Yeah! Mag pipinakbet ako! At buti nalang meron pa ako sa freezer na kalabasa (sariling tanim to mga mare at pare ko!)

Ayun, pati si Niels nagustuhan yung pinakbet...and of course may bagoong shang kahalo.  Buti nalang meron pa akong isang bote ng bagoong na nakastock.  Ayan, bukas alam ko na ano ang baon ko sa trabaho (hehehe)...pinakbet!

And by the way, habang naglalagay ako ng mga bago kong stock sa racks, accidentally nakita ko na may isang pack pa ako ng Mama Sita Sinigang sa bayabas! Waaaah!  BAKIT GANYAN ANG BUHAY???

Mami:
Kaninang umaga naman, kasabay ko si Niels mag almusal...MAMI! hahaha

So far, wala pang bagong recipe na pumapasok sa utak ko...but you never know, baka may mapanaginipan akong masarap na ulam! 

Sha matutulong na ako para makapagsimula ng managinip ;-)

Neri-takaw

3 comments:

loloben said...

Subukan mo next time ang kinalolokohan ng barkada naming mga senior citizens. The menu includes: inihaw na hito and tilapia, inihaw na talong, sinigang na talakitok in fresh sampalok at ginataang langka sa alimasag. Ang sawsawan simple lang, binagoongang baboy plus siling labuyo. Ang dessert saging lakatan at pakwan. Ang drinks minsan me lambanog na babad sa ginseng pero kadalasan red wine, hindi naman kasi kami tomador. But lately nahihilig kami sa mga herbal drinks para panlaban sa diabetes, kidney stones, high blood etc. But when we eat, we just ignore Doc's orders. We enjoy the twilight of our years seeing that our children are in the right direction. YOHOHO and a bottle of rhum. Ang hito bago lutuin dapat linisin at paputiin ang balat using abo. One time we forgot to bring abo. One guy suggested we just burn any wood to get the ashes. Another said there's a crematory nearby. We immediately burned some slats of wood.

MrMrsPiller said...

Neri ngayon ko lang nabasa to grabe nakakalaway! Dagdagan pa ni Tatay Ben ng mga inihaw at sinigang na talakitok haaay i can't wait to go to Pinas! Btw, nagluto ako ng beef mami last week, gustung gusto rin nina Toby, Dylan pati si Zoey ang dami nyang chinese egg noodles na nakain :) Trully rewarding for us mommies whenever nae-enjoy ng family natin ang pinaghirapan natin sa kitchen di ba? :)

the 4 N's said...

Donna, buti ka pa enjoy na now jan sa Pinas...kami 2 more weeks pa...and jan na din kami!!!! All day pinoy food! YUMMY!!!